Skip to main content

Posts

Featured

OPISYAL NA PAHAYAG PARA SA IKA-126 TAON NG KALAYAAN NG FILIPINAS

  Mga kababayan:   Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-126 taon ng ating kalayaan mula sa kuko ng kolonyalismong Kastila. Napapanahon ito sapagkat nagbabadya ang isang bagong anyo ng neo-kolonyal na pananakop kaya, marapat lamang na ating gunitain ang mga hindi matatawarang sakripisyo na nagdala, at patuloy na nagdadala sa atin sa landas ng Bagong Liwanag, gaya na lamang ng Tatlong Paring Martir, ni Dr. Jose P. Rizal, at lahat ng mga Filipinong lumahok sa Rebolusyong 1896 sa pamumuno ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, na ipinagpatuloy naman ng mga gaya nina Macario Sakay at Teodoro Asedillo.   Pinakamahusay na guro ang kasaysayan sapagkat dito natin makikita ang ating mga kalakasan at kahinaan bilang isang bansa. Batid kong hindi tayo mga bulag, pipi, at bingi para hindi tugunan ang mga pangangailangan ng kasalukuyang panahon. At sa pagtugon sa mga alingawngaw na ito ay dito lamang natin mahahanap ang kabuluhan at kahulugan ng ating pagiging isang Tao, F...

Latest Posts