Mula kaliwa: Levi Isidro (SLF), Mark Miranda(SLF), Mildred Abiva(SLF), Hiraya Markus Abiva(SLF), Racquel Cruz (PnK- SLF), Mideo Cruz(PnK- SLF), Dr. Patrick Neil Santiago(PnK- SLF), Dr. Efraim Vidal(PnK- SLF), Dr. Marietta Agustin(PnK- SLF), Dr. Duth Alfonso(PnK- SLF), Dr. Baby Jean Jose(PnK- SLF), Elito Circa(PnK- SLF), Cristobal Alipio(SLF), Jaki Tungol(SLF), at Rene Boy Abiva, MA(SLF). (photo by Genre-WUP)
 

3RD IGLF, IDINAOS SA WUP!

-Samahang Lazaro Francisco Komite sa Midya

 

(Lungsod ng Cabanatuan) Matagumpay na naipagdiwang kahapon ang Ikatlong Lazaro Francisco. Ginanap ito sa Wesleyan Auditorium sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga estudyante at fakulti mula Institute of Teacher Education ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges, Wesleyan University- Philippines, Central Luzon State University, at Nueva Ecija University of Science and Technology. Alinsunod ang aktibidad sa pambansang pagdiriwang sa buwan ng Abril bilang Pambansang Buwan ng Panitikan na may temang “Panitikan at Kapayapaan.”

 

Upang mas komprehensibo ang IGLF ay sinamahan ito ng isang libreng seminar-worksyap hinggil sa pagsulat ng tulang tanaga at malayang taludturan na pinangunahan ni Rene Boy Abiva, MA, D. Litt. (Hon. Causa) at eksibit at pagtatanghal mula sa mga kasapi ng Likha Novo Ecijano.

 

Naging pangunahing tagapagsalita naman ang premyadong manunulat at nobelista na si Jose Rey Munsayac, awtor ng librong Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai, at Ang Kolorum (2000) at Duguang Kamay sa Nilulumot na Pader (2014) na parehong inilathala ng UP Press. Nagbigay din ng mensahe si National Artist for Literature Virgilio “Rio Alma” Almario. Binigyang-diin ni Rio Alma ang malaking papel ng SLF sa Nueva Ecija bilang namumukod-tanging samahan ng mga manunulat na aktibo at may mataas na reputasyon.

 

Opisyal namang kinilala ang mga nagwagi sa IGLF na sina Ronal AraƱa Atillano (Ikatlong Gantimpala) para sa kanyang tulang “Mirasol at iba pang tula” at Andro De Guzman Blancada (Karangalang- Banggit) para sa kanyang tulang “Luha at iba pang mga tula.” Nagsilbing hurado naman sina Edbert Darwin Casten, Mikka Ann Cabangon, at Rene Boy Abiva na mga aktibong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).

 

Ginawaran din ang mga sumusunod na indibidwal ng titulong “Pandangal na Kasapi” dahil sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagtataguyod ng sining at panitikan sa lalawigan ng Nueva Ecija:

 

Dr. Patrick Neil M. Santiago

Fakulti sa Nueva Ecija University of Science and Technology- CIT at awtor ng isang Arts Appreciation Teksbuk.

 

Dr. Irineo G. Alvaro

Kasalukuyang Presidente Ng Wesleyan University- Philippines at awtor ng otobayograpikal na mga libro gaya ng Fiona (2017) at Do You Think You Can Manage A Parish? (2018)

 

Mideo Cruz Artist

Head Curator ng Bangan Project Space at premyadong poloteist artist. Nasungkit na ang mga sumusunod na pagkilala: Cultural Center of The Philippines 13 Artists Award noong 2003, Ateneo Art Awards in 2006, Asian Cultural Council (ACC-2008) Fellowship sa Headlands Art Center sa California at PointB Worklodge sa New York.

 

Racquel DL Cruz 

Co-curator ng Bangan Project Space at premyadong Post- Modernist Artist. Nasungkit ang mga sumusunod na pagkilala: anim na buwan na pagsasanay sa ilalim ng Asian Cultural Council (ACC) Fellowship to Research Arts and Culture sa Amerika noong 2013, nakapag-eksibit na rin sa New York at Grace Exhibition Space, Panapoly Performance Laboratory, at Blackbox Theatre.

 

Ivy P. Miranda

Presidente ng Likha Novo Ecijano at nasa likod ng Ivy Miranda Arts (IMA).

 

Atty. Cristina C. Mendoza

Tagapayo ng Likha Novo Ecijano. Kamakailan ay ginawaran ng Saint Louis University- Baguio ng digring Juris Doctor.

 

Jose Rey Munsayac

Premyadong nobelista at awtor ng pamosong Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai, at Kolorum (Philippine Centennial Prize Winner) at Duguang Kamay sa Nilulumot na Pader (UP Centennial Prize Winner).

 

Dr. Baby Jean VC. Jose

Fakulti sa Central Luzon State University- Departamento ng Filipino. Kilalang mananaliksik, host ng Radyo Igado, at patnugot ng librong Padayon.

 

Dr. Ingrid F. Calanno

Fakulti ng Institute of Teacher Education ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges. Naglingkod sa CLSU bilang International Relations Officer sa loob ng 15 Taon.

 

Dr. Ruth C. Alfonso

Dekana ng Institute of Teacher Education ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges. Ginawaran na ng maraming pagkilala. Pinakahuli ang Outstanding Woman of Cabanatuan City in the Field of Private Education (2023).

 

Dr. Efraim S. Vidal

Program Coordinator for Language and Literature ng Kolehiyo ng Sining at Agham ng Wesleyan University- Philippines. Aktibong katuwang ng SLF sa taunang paggunita sa kaarawan ni Lazaro Francisco sa basbas ng Malaya at Tanggap na Kapatirang Mason.

 

Dr. Michaela Jennarine Cruz- Vidal

Program Head for Language and Literature ng Kolehiyo ng Sining at Agham ng Wesleyan University- Philippines. Aktibong katuwang ng SLF sa taunang paggunita sa kaarawan ni Lazaro Francisco sa basbas ng Malaya at Tanggap na Kapatirang Mason.

 

Dr. Marietta Agustin

Dekana ng Kolehiyo ng Sining at Agham, Wesleyan University- Philippines. Nakapaglathala na ng tula sa Reseko: Antolohiya Ng Mga Akdang Bukid (2022). Isa ring mananaliksik.

 

Dr. Gladys Mangiduyos

Kasalukuyang Vice President for Administration ng Wesleyan University- Philippines. Awtor at nangungunang tagpagtaguyod ng critical thinking sa WUP.

Elito V. Circa

Opisyal ng Likha Novo Ecijano. Isang kilalang Pilipinong pintor sa kanyang bansa at sa buong mundo.Tinaguriang "kauna-unahang Pilipinong pintor na gumamit ng buhok at dugo" sa kaniyang mga obra na may temang mythologism at mythicalism at ang paglalagay ng imahen ng kilalang Alamat ng Minggan sa kanyang mga larawang sining.

Ang tagumpay ng aktibidad ay dahil sa pagtutulungan ng mga sumusunod na organisasyon at indibidwal: Wesleyan University- Philippines, Samahang Lazaro Francisco, Lazaro Francisco Cultural Heritage Foundation, Cabanatuan Masonic Lodge No. 53, Order of the Knights of Rizal, Bangan Space Project, Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo, Lokal na Pamahalaan ng Nueva Ecija, Atty. Cesar Francisco, Dr. Ingrid F. Calanno, Cristobal Alipio, Jaki Tungol, at mga fakulti ng CAS-WUP.

Ayon sa pamunuan ng SLF ay abangan ang mga sumusunod pang pinalawak at pinalakas nitong independiyenteng mga aktidibidad sa tulong pangunahin ng Cabanatuan Masonic Lodge No. 53, Order of the Knights of Rizal, at Wesleyan University- Philippines. ###

Si Dr. Baby Jean Jose kasama ni Ret. Prop. at Premyadong Nobelista Jose Rey Munsayac.
 

 

Mga kalahok na mag-aaral at fakulti ng Institute of Teacher Education ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges.

Si Cristobal "Kumander Tagay" Alipio ng SLF.

Ang paggawad ng pagkilala bilang Pandangal na Kasapi kay Dr. Ruth Alfonso ni Jaki Tungol, premyadong manunulat ng SLF.
 


 

Comments

Popular Posts